Wednesday, May 26, 2010

kapit-tuko

from Blog ni Ley
kapit-tuko
Wednesday July 20th 2005, 6:40 am
(i think i wrote this when i was so pissed off with gma)

isang kahanga-hangang pagmamalasakit ng isang
butihing ina
sa isang bandehadong mga pusang kalye na
nagkakalat ng lagim
sa lansangan,
isang umagang maulan,
nang wala man lamang ideya kung ano nga ba ang kanilang ipinaglalaban.
maaring may punto
ang mga pusang ito
kung bakit tuluyan nilang inalisan
ng karapatan
ang inang
sa kanila’y nagdulot ng sakit,
sabi’y nagmamalasakit
subalit
bakit
iginigiit
ang kanyang hindi man lang pinagnilay-nilayan na desisyon.
hindi man lang ipinagpaalam
sa mga pusang kalye
na ang gatas na kanilang ikinabubuhay
ay tuluyan nang ibinigay
sa mga asong naglalaway.
sa mga asong mas nakaririwasa sa buhay.
ang masakit pa dito
biglang natuklasan ng mga aso
na ang gatas palang kanilang hinahanap-hanap
ay nanganganib na mabawi ng mga pusang kalye
kaya’t dali-dali nilang nilapitan
ang inang dakila’t matapang,
at pinakiusapan
na kanilang tataasan
ang kabayaran
kung lahat ng gatas ay siguradong
mapapasakanila lamang.
ang ina, na nasilaw sa kinang
ng gintong upuan
ay agad
na pumayag.
papano ngayon ang mga pusang kalye
na walang humpay ang pagkalam
ng kanilang sikmurang walang laman.
aba ginang
nawa’y kahabagan
ang iyong mga abang pusa
na hinihika na
sa iyong pag-aaruga.
nawa’y lisanin
ang tronong inaangkin
at muling pakanin
mga pusang hikain.

No comments: