Sir Monico is one of the best professors I ever had in UP. I saw how passionate he is when talking about Rizal and his works and his literature. Attending his class was never boring for I enjoyed his way of teaching. It’s like he's just telling us stories. And I love listening to stories that are told in a manner that would draw so much enthusiasm and gusto from the listener. Not to mention the doses of rare Filipino words we get from time to time. I wasn’t supposed to be in his class but because my best friend's a friend of his, she introduced me to him and I took the opportunity to prerog that sem to his class. It was a semester of enlightening. I remember sleeping on a bed filled with Rizal books (books written by Rizal and books about him). It was the start of my romance with Pepe (I named my best friend's son after Rizal or 'Pepe', who turned out to be a brilliant child with the Rizal hair too hehe), which gradually waned when my priorities shifted (I'm planning to resurrect it though). arghh. I miss him :D and Sir Monico too. I should thank Sir Monico for introducing me to my beloved Pepe. And Pepe for opening my eyes.
Going back to Ikatlong Nobela ni Rizal, I can't help being amazed thinking I (Arvi, correct me if I'm wrong) wrote this part of the site IN TAGALOG :D -- Ang Paghahanap
Kapuri-puri ang Noli Me Tangere-hindi lamang ayon sa mga nakabasa nito, subali't maging sa sariling pananaw ni Jose Rizal. Sa kahusayan, hindi ito nahigitan ng El Filibusterismo. Hindi nasiyahan ang manunulat sa kaganapang ito kung kaya't naisipan pang lumikha ng ikatlong nobela. Kung ano ito ay ang siyang sasaliksikin ng aming grupo.
Ang aming pananaliksik ay isang mababaw lamang na pag-aaral at paghahanap sa nasabing ikatlong nobela. Ibinase lamang sa mga librong Rizal's Unread Legacy (1957) ni Juan Collas , Makamisa: the search for Rizal's third novel (1992) ni Ambeth R. Ocampo, at Etikang Tagalog (1997) ni Nilo Ocampo ang karamihan sa aming mga pagsusuri.
Nagsilbing gabay sa aming ginawang pagsusuri ang libro ni Ambeth Ocampo. Mababasa kasi sa kanyang libro ang mga batayan, dahilan at pamamaraan kung paano niya natagpuan ang ikatlong nobela ni Rizal at kung paanong ito ang pinakaposible sa lahat ng mga pinagpipiliang manuscripto.
Sa libro ni Ambeth Ocampo, matagumpay niyang nailatag ang mga basehan kung bakit pinakaposibleng ang Makamisa ang ikatlong nobela ni Rizal. Ilan sa mga liham ni Rizal sa kanyang mga kaanak, sa mga kasama sa propaganda at kay Blumentritt, ang lalo pang nagpatunay dito.
Sa amin pang pagsasaliksik, napag-alaman naming ang Makamisa ay bahagi lamang ng Etikang Tagalog. Matatagpuan sa unang dalawang kapitulo ng Etikang Tagalog sa salin ni Nilo Ocampo ang Makamisa. Kaya nga't sa dinami-dami ng mga pagpipiliian, dalawa na lamang ang natira para sa aming pagsusuri-ang Etikang Tagalog at ang Nobela Tagala.
Alin nga ba sa dalawa ang ikatlong nobela?
Sa umpisa, inakala naming maituturo namin kung alin talaga ang ikatlong nobela ni Rizal. Subalit habang lumalalim ang aming paghukay sa mga impormasyon at detalye, ay lalong nahihirapan kaming tukuyin ito. Dahil dito, napagkaisahan namin, na bagama't halos abot-kamay na naming naabot ang layunin ng pananalisik na ito, na huminto na dito. Subalit hindi namin ito isasara, bagkus ay iiwan namin itong bukas sa mga mambabasa. Aming inaasahan na nailatag na namin ang mga mahahalagang impormasyon at nabigyang-diin ang mga punto na maaaring pagbatayan ng mga susuod pang magsusuri hinggil sa usaping ito.
No comments:
Post a Comment