di ko na matagalan
lagkit ng katawan
dala ng hanging maalinsangan
ilang beses mang ulitin
ang pagligo ng matulin
hindi pa rin ako patutulugin
sa aking pagtanaw
mula sa bintanang sumisingaw
bumungad ang babalang bukas ula'y aapaw
pano'y talamak
makakapal na ulap
hudyat ng pagpungay ng dalawang talukap
No comments:
Post a Comment